A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Apr 30, 2010

bye bye, AAlis kA nA.



A,

In a few hours, aalis ka na. It feels like it was only last week since we all became friends. Ambilis lang pala ng panahon na makakasama ka namin. Tangina. Maraming salamat sa pagbigay ng chance na makilala ka namin, na maging friends mo. Sana bumalik ka ulit, SOON. Mamimiss ka namin shet. Yung mga corny banat mo, yung pagiging tahimik mo, yung pagiging makulit mo after mo maging tahimik, yung porma mo, lahat yun. Kahit sobrang ikli lang ng panahon na nakasama ka namin, parang over time, marami na tayong napagsamahan ng Only We. Nakilala ka namin ng husto kahit papano. Thank you for trusting and opening up to us. I'm going to miss those rooftop days, tsaka yung isang rooftop night na nag-truth or dare tayong 5. Tapos yung night din na nakatulog ka talaga sa rooftop. Grabe, wala nang matutulog sa rooftop na may halo pang snore. Si R nalang pag-asa dun. Basta, madami pa ko gustong sabihin. Nakakalungkot lang talaga. Tangina. Bye A. Thank you talaga ha? Balik ka, please. Ingat ka dyan sa Leeds. Lagi mo kaming iuupdate. Wag mong kakalimutan tong blog na to. Love you A!

Y


Dear A, 

I'll fucking miss you! You've been such a great friend. Kahit mabilis lang tayo lahat nagkasama sama pakiramdam ko, matagal na tayo magkakakilala. Hanggang ngayon feel ko parin kapag kausap kita parang babae kausap ko. :) Kasi para ka nang kapatid para samin. GRABE, hindi ko alam sasabihin, kasi ang bilis talaga, fresh pa sa alaala ko nung magkakasama tayong nanood ng PARAMORE, Hindi ko makakalimutan yun. Kahit hindi ka pa sobrang close samin, sumama ka. Pakiramdam ko nun, yun na ang simula ng magandang pagsasama nating lima. :) Sana lagi ka parin namin makausap, lagi ka parin namin makakwentuhan, hindi na parehas ang only we kung wala ka, kapag magkakasama kami, siguro lagi nang may feeling na may kulang. Sana pagkabasa mo neto, bigla mo kami mamiss, tas bigla kang bumalik! haha. joke. Hay 12:20 na talagang nakaalis ka na siguro. Hindi ko makakalimutan yun masasayang alalaalang iniwan mo samin. Isa ka sa mga totoong taong nakilala ko at masaya ako at kami na naging kaibigan ka namin. :)  Thank You sa lahat, lalo na  sa mga times na kelangan ko ng kausap at ng kasama. Naalala ko nung sinamahan mo ako sa school, tapos ang tagal natin nagkwentuhan sa kfc haha! Masaya ako na pinagkakatiwalaan mo kami, kasi lagi mo samin sinasabi mga problema mo. Tapos isang text lang ng "****y?" nagrereply ka na. :) mamimiss namin mga corny mong banat, mga drama mo, yung fashion mo. Haha basta lahat,    Dapat pagbalik mo may longboard ka na ha, tapos dun tayo kena tin ulit, magbibike ako tas kapit ka ulit, saya kaya nun. Kahit nkkpagod. Haha. Hay basta! Mamimiss ka namin talaga, ingat ka dun. Magpost ka lagi ng balita tungkol sayo. Thaaaankyou talaga. Balik ka kaagad A! Love you! >:D<

X

A,
:'( Ikaw ha, ayaw mo pa ipaalam samin na aalis ka na. Kung di lang sinabi ni R samen nung nasa rooftop tayo. Grabe. Ang bilis ng panahon talaga. Hindi man lang natin nalubos lahat ng araw na natira. Well, alam naman natin na may iba iba din tayong priorities pero wala lang, sayang lang. Tsk. Sana talaga nagstay ka pa kahit one more month lang. Hindi ko pa nga maabsorb netong mga araw na to na aalis ka na. Pero tuwing nagccountdown kami ni X kung ilang days nalang til May 1, lagi kami natatahimik at naiisip na aalis ka na nga talaga. Sobrang mamimiss kita. Mamimiss ka namin talaga. Ibang iba talaga pag wala ka dito eh. Iba ang Only We. Parang kapatid narin kasi turing natin sa isa't isa kaya siguro ang lakas ng impact ng pagalis mo. Or sadyang mahirap lang itake yung fact na magsstay ka na jan for good. Sana wag mo kalimutan kami. Wag mo rin kalimutan na magupdate dito from time to time. Magkwento ka lang kung ano na nangyayari sayo jan. Hay ang sad talaga. Wala nang partner si R. Sya na lang only boy sa Only We. At iba talaga pag wala ka. Basta, magingat ka dun ha. and magenjoy ka :) Wag ka malulungkot dun. Isipin mo lagi kang kasama sa prayers ko ha. :) And bigay mo pala address mo samin para pwede ka namin padalhan jan ng kung ano ano lang. HAHA CHICKENJOY. mamimiss mo yun, alam ko. Anyway, ingat sa flight and pray for a safe trip. We'll miss you! Take care and God bless. PS, bawasan ang bisyo. HAHAHAHAHAHA Labyu!
-Z

No comments:

Post a Comment