A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

May 2, 2010

RE: bye bye. AAlis kA nA

XYZ, :)

 di ako magaling magsulat ng mga ganito. haha kaya sana maintindihan nyo mga sasabihin ko dito at hindi kayo maguluhan. unang una, gusto ko munang batiin ang mga lahat ng taga subaybay ng only we. MALIGAYANG PAGBATI MGA TAGA-SUBAYBAY NG ONLY WE. (corny)
xyz, maraming salamat sainyong tatlo at naging welcome ako sa only we, hehe drama. di ko rin ineexpect na magiging magkakaibigan tayo kasi nung una ko kayong nameet parang wala lang. haha joke, totoo tlga unang kilala ko palang kayo mga cool kids na tingin ko sainyo. rockers! haha pero di ko tlga ineexpect na maging close ko kayo.. madali lang nman ako mga kaibigan, isang aya lang sakin. sasama na ako. basta sa tama (wahahaha) oo nga late narin tayo naging magkakilakilala, Nlate ang GRAND EB. :)) salamat sa lahat ng oras na kasama ko kayo, salamat sa pagtanggap sakin, wahahaha basta salamat sa lahat. di ito farewell note ha, magkakaibigan parin naman tayo. haha nalayo lang ako. X thank you din sa pagiging adviser ko sa maraming bagay, ikaw ang presidential adviser ko. haha sana maiapply natin sa mga sarili natin ang mga advise natin. at wag ka nrin laging emo. suntukin mo nlng pag may nangaaway sayo. biro! intindihin mo nlng ang mga mahirap makaintindi kasi ikaw ang meron na higit na pang unawa kesa sakanila. mahal ka ni jesus, maniwala ka lang ang magtiwala lagi, kahit minsan kupal yung mga challenges na binibigay nya satin. pasensya ka na din minsan sakin, di na tayo nagkakausap nung past weeks. medyo busy busy narin at dinedetach ko narin sarili ko sa phone ko nun. .kasi emo. haha salamat X maraming salamat... Y, tingin ko sobrang naging beetin ang panahon para makilala ka ng lubusan (:D yehess) pero tingin ko nman hindi na kailang mag-get to know each other ng sobrang lalilm ang mga tao para maging mabuting magkaibigan sa isa't isa. mamimiss ko kayo lahat ng sobra, salamat din sa rooftop nyo kasi dun tlga nangyari ang malulupit na bonding natin haha, pasensya narin kung madalas tahimik ako, alam mo nman ang kahinaan ko at nagpapatahimik sakin, malas lang kasi natapat yung panahon na magkakaibigan tayo sa panahon ng totoong pag-iibig. salamat din at nakikinig kayo sa mga problema ko at nagbibigay ng malupit na advise.:) pagbalik ko, madami tayo gagawin, pagbalik ko, surprise! naku baka bumalik na ako next month. :( kakalungkot. thanks Y. Z,di ko agad nasabi na aalis ako kasi, di tlga ako magaling magpaalam, di ako magaling sa lahat ng bagay na kinakailangan ng emotion, si R ang magaling jan, at ikaw! haha thank you sa lahat ng pinakain mo samin sa house nyo. pasensya na at malakas tlga kumain ang tyan ko lalu na sa ibang bahay. hahaha nakakhiya, pero hindi ko din alam kung bakit comportable na agad pakiramdam ko sainyo agad, meant to be friends. haha sana pagbumalik ako jan, kayo kayo din ang magkakasama, bawal mabawasan, pwede madagdagan. ako ninong. hahahaha salamat sa baguio. kahit saglit lang din kita nakasama dun, bonding parin yun. :) continue to grow in the spirit. ako kasi di magandang model ng yfc. haha magiingat kayo lagi jan. kayo na bahala sa cfad. sana maging close din kayo sa mga ibang kaibigan ko dun :) hahaha di ko naimagine sarili ko na magbibilin ng ganito. :) basta maraming maraming salamat sa lahat. di man ako nakapagsulat ng maaayos na mga salita ngaun, alam ko at ng puso ko na special kayo sakin. R, maraming salamat sa lhat pre, di ko na iisaisahin lahat. haha.. END

-A

4 comments:

  1. HAHA! natawa ako sa pangbungad na bati mo! :)) parang sikat ung blog natin eh noh. haha! corny mo parin. :) tska natawa ako sa "ako ninong" :)) uy dapat lahat tayo ninong at ninang ng mga anak natin ha! promise yun. -X

    ReplyDelete
  2. hahahahah natawa nga din ako dun sa "ako ninong" mo! hahahaha sino kaya mauuna magkababy? :)) ako din naman di magandang model ng yfc e. hahaha miss na kita! -Z

    ReplyDelete
  3. Awww A! Pagkabasa ko nito, sobrang namiss kita. Nakakatuwa basahin letter mo. Basta pagbalik mo, friends parin tayong lahat. Walang mawawala. Tangina bakit mga anak na pinaguusapan natin dito.. Y

    ReplyDelete
  4. Hahaha Z! si Y ang unang magkakababy sa pananaw ko. :)) -X

    ReplyDelete